








HAINAN
Have-in-Hand
FOOD AVENUE
"There is no love more sincere than the love of food".



A Talk with the Humble Giant
2. You start Pan de Amerikana as a bakery, why did you turn it into a restaurant?
Mr. Jundio Salvador: "Yung mga customer namin nagrerequest na magmeryenda,magkape, so dati ito ay garahe namin. Hanggang sa icinonvert ko ito sa maliit na restaurant, meryenda lang hangang sa nagiistaypa rin sila hanggang sa gabi. Kaya sbi ko, maggawa na tayo ng kitchen. Kami kasing mag-asawa di kmi lumalaban sa kung anu yung uso. Ang ginagawa namin yung kakaiba. Ginawa namin an gaming tinapay na pinakalmalaki,pinakamura. at yung ginagamit na materyales, mataas ang quality. Vegetable shortening ang gamit namin, ang wheat flour, HALAL certified at iron fortified na rin. Plus yung aming sugar di sya processed very raw sya."
3. How do you come up with chess themed restaurant? Is it intentional or a collection of the family?
Mr. Jundio Salvador:"Gaya nga ng sabi ko, dapat kakaiba, gumawa kami ng something na kakakiba talaga. May tema dapat yung lugar, pagpumunta ka sa isang lugar gusto mo may natutunan ka, may nakikita kang bago, saka uso na yung papapicture. pde mong ipagmalaki na nakapunta ka na sa ganitong lugar."
Meron po ba sa pamilya na mahilig sa chess?
Mr. Jundio Salvador: "Wala naman. Naging kaibigan ko kasi si Eugene Torre, sabi nya, ’Jun maglagay ka kaya ng instuctional chess dito.’ Ang instructional chess kasi pag nakita ng bata na kasinglaki niya yung mga kabayo at pawn, maeenganyo sya na laruin. Di tulad pag maliliit, itatapon lang pag-nabored."
4. What about the Katipunan Branch, why did you come up with upside down restaurant? Whose idea was it?
Mr. Jundio Salvador: "Sa amin din, madalas na pumupunta kaming mag-asawa sa ibang bansa, nakakuha kami ng idea, idea lang naman. May baligtad pero wala namang sasakyan na nakabligtad."
5. What’s your best selling food?
Mr. Jundio Salvador: "Mas kilala kami sa tinapay.Ang mga sandwiches namin pinakamabenta, ang brewed coffee namin galing Batangas, Excelsa saka Robuska. Trenta pesos lang. Ngayon sabi ko nga dapat unique di lang mura, bihira pati, meron kami sa ILOCOS Dinakdakan, Igado, sa Bicol, Tinomok at Bicol Callos."
So Sir, sa isang restaurant, matitikaman na nila yung lasa ng bawat sulok ng Pilipinas?
Mr. Jundio Salvador: "Oo, saka pag pumnta ka dito,may matutunan ka. Tulad yan ang furniture, Batibot yan pinagmamalaki yan ng Pilipinas. One and only in the Philippines . Dito dinensign yan, si Don Victorio Ignacio ang gumawa nyan, noong panahon ng mga Espanol, kaya sariling design yan. Saka yung mga artista natin dati, gusto ko na maalala sila, pag pumunta ka sa isang restaurant, di lang puro salamin o dingding ang makikita mo,may iba kang experience may matutunan ka.di katulad sa mga ibang restaurant, nakaupo ka lang, air conditioned eh dito, fresh air saka madami kang magagawa di ka mabobored. Gusto ko kasi parang nasa veranda ka lang, nasa bahay ka lang."
6. What’s the difference between your Pan de Sal from the others, aside from size?
Mr. Jundio Salvador: "Ang pan de sal namin, kakaiba talaga sa lahat, ang mga ingredients na ginagamit naming,magaganda, wheat flour ang gamit namin, galing pang ibang bansa, ang sugar naming, very raw, molasses healthy pa at ang gamit namin, vegetable shortening."
7. Do your recipes come from the family or a fusion of different dish? Do you have a resident chef to cook the menus or a family member?
Mr. Jundio Salvador:"Lahat ng recipes naming galing bahay, pag approve sa mga anak ko, saka naming ilalabas at ibebenta. Pag gustong-gusto nila,maglalabas na ang misis ko ng recipe at ibibigay sa Comissary. Ang Comissary ang gumagawa ng pagkain ang nagluluto, standardized yan, tas ipapadala na sa mga branches namin."
Nagluluto po ba kayo?
Mr. Jundio Salvador: "Ako, marunong lang kumain saka tumikim, si misis ang marunong gumawa ng recipe."
8. What is exceptional about your foods? Especially about Everlasting and Waknatoy?
Mr. Jundio Salvador: "Pagkaing Marikina yan,na pinagmamalaki sa history kasi ng Marikina, maraming mga Intsik. Tuwing nakikita nila iyon Menudo with pickles sinasabi nila,’oh yan na naman waknatoy, oh yan na naman, sawang-sawa na kami dyan.’ Kaya Waknatoy. Ganun din sa Everlasting- Embutido na may pickles pa rin at itlog. Dati kasi wala naming aluminum foil kaya nakalagay sa llanera, pagkaing Marikina kasi may pickles. Kaya everlasting kasi laging present sa mga fiesta eh ang mga taga-Marikina mahilig pa naman sa mga fiesta, birthday , sa kasal."
9. Are you open for any activities aside from eating like, pre-nuptial venue or for special occasion/party?
Mr. Jundio Salvador: "Libre, pumunta lang kayo dito. Kung gusto mo naman, umorder ka lang sa counter, damihan mo lang yung order."
Nagcacater po ba kayo?
Mr. Jundio Salvador ":Oo, minsan may nag-oorder ayaw na nilang mag-isip pa,gusto nila magkakaasya na so kami na ang bahala.Meron din kaming eat all you can, tuwing Valentines, steak yun, for just P300. Madalas nga na nakkikipag-away kami sa mga customers kasi fully-booked kami. "
10. Is there a time that the restaurant experience downfall? How did you get back on the track?
Mr. Jundio Salvador: "Actually sa negosyo, pag ikaw ay nag-eenjoy di mo mararamdaman na napapagod ka o nalulugi ka kung kumikita ka ba o hindi, wal sa isip mo yung kumukita ka ba, kaya kung masaya ka, gawa ka lang ng gawa."
Sir, napakinggan ko nga po sa isa nyong interview, na ang gusto nyo po talaga, yung mag-serve sa mga tao?
Mr. Jundio Salvador: "Oo, customer ko kasi mga tao ko. Kami kasing mag-asawa, nilalabas namin yung mga tao namin, every three years. Pumupunta kami sa Singapore, Bangkok."
Ang swerte naman po ng mga tauhan nyo?
Mr. Jundio Salvador: "Hindi, maswerte din kami, kasi sila dahil inananakin na rin inila ito na parang sa kanila. So wala silang oras, pwedeng magkapatid, mag-asawa, magkamag-anak. Kasi sila ang tumatanggap sa kanila, sila na rin ang nagtatanggal. Pag papatay-patay sa trabaho, pinapauwi na rin nila sa probinsya nila."
So parang sila na rin yung boss?
Mr. Jundio Salvador: "Oo, tinuruan ko lang silang magnegosyo, binigyan ko sila ng puhunan. Tinutulungan ko na i-solve yung mga problema nila. Tinuturuan ko sila kung pano dumiskarte. Kunwari sa inventory, kung maubusan kami o masiraan ng pagkain, damay-damay din kami.So, ako, sinishare ko sa kanila kung anu yung meron ako, sila naman, sinishare ang oras nila. Para ako ay wag sumakit ang ulo, umalis."
11. Have you ever think that your business will go this far?
Mr. Jundio Salvador: "Ang Diyos kasi pag pinagkatiwalaan ka nyan, tas yung pinagkatiwala sayo ay ibinbahagi mo sa iba ,bibigyan ka ulit ng para sayo,at dadagdagan Nya pa para makatulong ka para dun sa mga tinutulungan mo rin. Yun ang sikreto dyan, wag kayong mag-aalala na magnegosyo."
Sharing is Blessing?"
Mr. Jundio Salvador:"Oo, the more you share the more you receive."
12. Why do you think Pan de Amerikana is much liked by the public?
Mr. Jundio Salvador: "Yung sikreto ng sharing yung presyo naming ng pan de sal, sobrang bigat kumpara sa iba. Ang pan de sal binebenta per priraso, wala kayong makikita ang pan de sal ay kinikilo,
Sa amin ang ginawa naming katulad sa mga Chinese, mayaman yan pero kung kumita maliit. Maliit ang kita, marami ang benta, mas gusto ko na 10 lang ang customer ko pero bumabalik, kesa sa 100 sa isang araw hindi naman bumabalik. Pag natuwa yung sampu, magdadagadag pa yan, so gawin mo lang mura. So ganyan yan, yan ang sikreto dyan gawin mo lang mura."
13. Can you compare to us how Pan de Amerikana before is to now?
Mr. Jundio Salvador: "Palagi yan eh, yung before and after everday nag-iiba.Palagi kaming may natutunan, mismo yung ayos ng lugar namin, nag-iiba. Yung mga tauhan na di namin ang nag-aayos nitong lugar, kaya paibaba iba hitsura nito, kasi gusto nila, natutuwa sila sa lugar pati customer namin natutuwa na rin. Kung before tatlo lang nag nagluluto, ngayon madami na sila, mga kamag-anak din nila ang katrabaho nila. Nung nagmeeting kmi last week, 50 na sila, nagulat nlang ako, nagsasabi naman sila na, “Sir di naming kaya pag, Sabado at Linggo’ sbi ko”oh cge, ok lang”"
14. Do you have any future plans for your restaurant?
Mr. Jundio Salvador: "Yung mga tao ko, maraming plano, sinusuportahan ko lang sila. Basta ang plano ko lang, masaya na ako na naalaagana ko sila, ngayon dumadami sila parang anak ko. Kung anung idea nila,sinusportahan ko lang, basta isa lang plano. Di ako masyadong ambisyoso nga basta , mapasaya ko lang tong lugar ko, parang pamilya ko na to eh, masaya na ako. Madami silang plano eh gaya na lang, gusto nilang magdelivery. Magkakaroon kami bawat subdivision, paparada lang siya sa Clubhouse, may oras lang sa mga city na may mga branches kami, para di na mhirapan yunb tao.Wala, gusto ko kasi mabantayan ko sila kahit papano ok na tong ganito, apat lang siguro sila. Delivery lang siguro ang dadami sa kanila.mahirap kasi ‘pag masyadong madami, parang anak mo rin yan eh, pag ang isa nandito sa isang eskwelahan tas ang isa nasa iba naman mahirap, pero pag nasa isang eskwelahan lang madali mong sunduin. Pag sobrang dami din, mahirap na, sa tingin ko hindi ako dinesenyo sa ganun na madami. Nabibilib nga ako, 600 yung branches. dream big, very big eh dat yung diskarte mo malaki din,pagod mo malaki din."
Gusto nyo po na nakafocus kayo sa mga restaurants nyo?
Mr. Jundio Salvador: "Oo, gusto ko na ‘to, nakakagala kaming mag-asawa, napapakain ko ang mga anak ko, nabibili ko ang mga gusto ko. Masaya yung mga tao ko mabigyan ko lang ng tag-isang bahay ang mga tauhan ko, masaya na ako. Kasi may pabahay kami eh, upcoming pa lang. Yan pwede na ako magretire, sabi ko nga, nakatatlong heart attack na ako, baka pag mabilis ang lakad ko, bigla akong madapa, di na ako makatayo. Masaya na ako dito, pag mabigyan kami ng dagdag biyaya,sila na bahala dun. Pag tatanda kami edi sila na bahala."
15. Any branch coming soon? If yes, what would be the theme of it?
Mr. Jundio Salvador:"Dapat kakaiba pa rin, as much as possible gawin mong more fun in the Phlippines, totoo yan. Punta ka sa Pilipinas dun may baligtad, dun may nakatagilid dun may nakalubog, mag-isip ka ng kakaiba. Madaming turista,balikbayan, problema natin kung san sila dadalhin, lahat malalayo,pag sa Boracay malayo naman, pero maganda dun, hopefully sana mamaintain. Mag-isip din tayo na malapit na kakaiba na di sila lalayo kakain muna sila tas picture-picture, post sa mga social networking site, sa Facebook, madami ng makakakita. Eh pag sa malayo, gagastos ka pa,minsan maulan pa, natyetyempuhan pa na bagyo, di ka nakapag-enjoy. Kay buti na yung ganito, nasa loob ka, eh isa lang naman ang hinahanap pag lumabas kayo pagkain, di baleng walang beach walang mall, basta may pagkain."
Pwede nyo po bang bigyan ng advice ang mga taong gustong magkaroon ng ganitong successful business?
Mr. Jundio Salvador: "yung successful business di pinag-uusapan yung laki, yun kita, saka dami ng negosyo ,ang pinag-uusapan dyan kung masaya ka,pag masaya ka sa kung ano ginagawa, kahit di business kung masaya ka, successful ka na rin. Kasi kahit na gaano kalaki ang sahod mo, kita mo,, kung di ka masaya, wala. Kaya nga sbi ko sa mga kasama ko, kung masaya kayo sa ginagawa nyo, masaya na rin ako, sa akin success na yan. Napapasaya ko sila, kasi ipagdadasal ka nyan eh, nagpapasalamat sila sa iyo. Eh sa akin success na yun. Pero yung meron kang madaming negosyo, pero di mo naman kasundo yung mga tao mo, wala rin, minumura ka ng nakatalikod ka, kahit bilyonaryo ka pa wala rin. I don’t think it’s a success. Kahit maliit na karinderya, kung masaya ang mga tao, that is a success!
Mr. Jundio Salvador, a photographer by passion, a father by life, a Filipino by blood, a servant of our Lord and most of all a kind man who shares what he has. We would like to extend our gratitude for him for his welcoming action to us. We hope, to see his Chess Museum soon. A salute to you, Mr. Jundio Salvador!!
1.Everybody is curious,how did Pan de Amerikana start?
Mr. Jundio Salvador:"Nagsimula yan as a bakery, I thought of something, pinuntahan ko yung father ko, may idea yung father ko, kasi dating panadero yug eh, nung 1950’s. Ang gusto nya ibalik yung malalaki at matitigas na tinapay. May kasabihan tayo,’pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.’ Kasi malalaki tinapay noon at matitigas pa wala silang pampalambot,kaya binabalik namin sila , tas yung klase ng tinapay noon ay wheat lahat. kaya hard wheat gamit noon at molasses wala ring presevatives,kaya ang tinapay namin 3 days lang."